What is Sinadya sa Halaran?
Ang Sinadya sa Halaran Festival ay isang pagdiriwang na magkasamang ipinagdiriwang sa lungsod ng Roxas at lalawigan ng Capiz. Ito ay isang pinagsamang pagdiriwang para sa kultura at relihiyon.
Ipinagdiriwang ang Sinadya sa Halaran Festival tuwing ika-4 hanggang ika-8 ng Disyembre bilang pag-alaala sa kapistahan ng Immaculada Concepcion, na siya ring patron ng lungsod ng Roxas. Ginagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng malalaki at makukulay na parada sa kalsada at sa pangunahing ilog ng lalawigan. Mayroon ding parada upang ipakita ang mga produkto mula sa dagat, na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayaN ng mga naninirahan sa Roxas at Capiz.
Ang Sinadya sa Halaran ay isa sa pinakaimportanteng pagdiriwang sa Roxas. Ito ay pag-iisa ng dalawang magkaibang pagtitipon, ang “Sinadya” para sa lungsod at “Halaran” para sa lalawigan.
Ang mga katagang Sinadya sa Halaran ay nangangahulugang “saya sa pagtulong at pasasalamat”.
Mga pangunahing gawain
Halad sa Kasimanwa
Tampok sa Halad sa Kasimanwa ang pagbibigay ng bawat kalahok sa pagdiriwang ng kanilang maaaring ibahagi para sa kapwa Capiznon. Maaaring ito ay pera, kagamitan para sa eskwela, mga damit, libreng pagpapakain para sa mga batang kalye, at iba pa.
Pasundayag Capiznon
Sa Pasundayag Capiznon ay ipinapamalas ang iba't ibang piyesta ng lahat ng bayan at lungsod sa Capiz. Kinatatampukan ito ng pagpapamalas ng uri ng pamumuhay sa lungsod ng Roxas sa pamamagitan ng makukulay na pananamit at masayang pagpaparada at pagsasayaw. Ginaganap ito sa mga pangunahing kalsada ng Roxas kung saan nagkakaroon ng parada at sayawan. Sa hapon naman ay ginaganap ang programang kultural sa Capiz gym.
Prosesyon sa Suba
Ang Ilog ng Panay ang isa sa pinakaimportanteng anyo ng tubig sa lungsod ng Roxas. Tuwing panahon ng Sinadya sa Halaran ay pinagtitibay ang halaga nito sa sosyal, ekonomikal at relihiyosong aspeto ng buhay ng mga Capiznon, sa pamamagitan ng isang prusisyon.
Duag Capiznon
Ipinaparada ang mga produkto ng Capiz sa pamamagitan ng malalaking imahe o higantes. Nilalahukan ito ng mga opisyal ng mga lalawigan, lungsod at bayan na sakop ng Capiz, mga pampubliko at pribadong paaralan sa Roxas, mga barangay at ilang mga organisasyon. Pagkatapos ng parada ay inilalagak ang mga higantes sa Roxas City Plaza hanggang ika-8 ng Disyembre, o sa araw ng pagtatapos ng pagdiriwang.
Bugsay, Bugsay!
Ang Bugsay, Bugsay ay isang paligsahan ng karera ng mga bangka. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng bangka sa buhay at komersyo noong unang panahon sa Capiz.
Sinadya sa Halaran 2012: Gov. Victor A. Tanco Message
Courtesy of : fil.wikipilipinas.org
0 comments:
Post a Comment